Fidel Ramos
(Hunyo 30, 1992- Hunyo 30, 1998)
- Siya ang pinakamatandang naging Pangulo ng Bansa sa edad na 64. Si Ramos din ang kaisa-isang opisyal ng military ng Pilipinas na tinanganan ang lahat ng posisyon mula sa Second Lieutenant hanggang sa Commander-in-Chief.
- Ang unang problemang hinarap ng Administrasyong Ramos ay ang kakulangan sa supply ng kuryente sa bansa. Sa pagbaba sa pwesto ni noo’y Pangulong Cory Aquino, 4 hanggang 12 oras na blackout ang nararanasan ng ating mga kababayan.
- Sa kanyang State of the Nation Address noong July 27, 1992, humiling siya sa Kongreso na lumikha ng batas na magtatatag ng isang Kagawaran ng Enerhiya. Subalit, labis pa riyan ang kaniyang nakuha, pinagkalooban siya ng Kongreso ng dagdag na kapangyarihan upang magbigay-lunas ang energy crisis sa bansa.
- Ginamit ni FVR ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng lisensya sa mga independiyenteng kumpanyang lumilikha ng kuryente upang makapagpatayo ang mga ito ng dagdag na power plants sa loob ng dalawang taon.
- Upang makapanghikayat ng mamumumuhunan at magdagdagan ang serbisyong pampubliko ng gobyerno, inilunsad ng Pamahalaan ang sistemang Build-Operate-Transfer o BOT Scheme. Sa ganitong sistema, inanyayahan ang mga negosyanteng magtayo ng isang istrakturang sa mga nakaraang administrasyon, gobyerno ang inaasahang magsagawa, tulad na lamang ng mga tollways, power plants at mass transport systems.
- Ang unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Ramos ay naging maganda. Sumigla ang ekonomiya, naging tahimik ang mundo ng pulitika at nagkaroon ng positibong pagbabago ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa publiko.
- Naging aktibo rin ang Ramos Administration sa usaping pangkapayapaan sa pamamaraan ng isang kasunduan sa Moro National Liberation Front o MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari.
- Naging masigasig din si Ramos sa paglaban para sa ating karapatan sa teritoryong pinag-aagawan sa West Philippine Sea.
- Nang madiskubre ng ating Sandatahan Lakas ang isang istrakturang itinayo ng mga Tsino sa Half Moon Shoal na nasa loob ng ating 200-mile exclusive economic zone, agarang naghain ng pormal na protesta ang bansa sa International Court. Inutusan pa ni Ramos ang ating Hukbong Panghimpapawid na magpalipad ng limang F-5 Fighters na sinamahan pa ng apat na jet trainers at dalawang helicopters sa lugar ng kinakitaan ng istraktura upang magpakit ng pwersa.
- Nilinas ng gobyerno ng Tsina na ang mga istrakturang nakatayo sa lugar at nagsisilbi lamang na silungan ng mga Tsinong mangingisda, bilang tugon nito sa ginawang aksyon ng ating bansa.
- Ang munting pagkilos na ito ni Pangulong Ramos ay sinasabi ng ilang eksperto na lubhang mapanganib dahil maaaring naging mitsa ito ng digmaan sa West Philippine Sea.
- Naging maganda ang takbo ng bansa sa halos lahat ng aspeto nito sa ilalim ng Administrasyong Ramos, subalit napigil ito nang dumanas ang Asya ng isang financial crisis noong 1997. Bilang epekto, mula sa mahigit 5% paglago ng ekonomiya noong 1997, bumagsak ito sa kalahating porsyento na lamang nang sumunod na taon. Marami rin ang nagsarang negosyo na nagresulta naman sa pagtaas ng unemployment rate sa bansa.
- Subalit dahil isa sa pinakamatatag ang stock market ng Pilipinas sa buong mundo noong kalagitnaan ng dekada nobenta, mas maliit ang naging epekto ng financial crisis sa ating bansa. Mas mabilis nakabangon ang Pilipinas sa krisis na ating dinanas at tinagurian pa ang Pilipinas bilang susunod na Economic Tiger ng Asya.
- Hanggang sa ngayon, ayon sa opinion ng ilang eksperto sa mundo ng pulitka, si Pangulong Ramos ang masasabing pinakamagaling na naging presidente ng bansa sa post-Marcos era.
there is so much information i get and also it helps us in the project of my child thanks!
TumugonBurahinTnx fot the info.
TumugonBurahinIto ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
TumugonBurahinmayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.
Putangina Unrelated... Mag post ka ng mga ads sa ibang page wag dito gago
BurahinWag ka naman magalit sama mo naman
BurahinPptang ignay mo
TumugonBurahinKagaya kayo dalawa wag kayo magalit
TumugonBurahinGinampanan ni Fidel Ramos nong EDSA PEOPLE POWER 1 REVOLUTION
TumugonBurahiniyan ang mga presidente na di nmn qualified pero binoto resulta edi kahirapan.
TumugonBurahinoonga
Burahin