Benigno Aquino III
(Hunyo 30, 2010- Hunyo 30, 2016)
(Hunyo 30, 2010- Hunyo 30, 2016)
- Sa kanyang pag-upo, dala ni Aquino ang pangako ng panunungkulan sa pamamaraan ng matuwid na daan.
- Nagbigay ito ng bagong pag-asa at pagpapanumbalik ng tiwala sa pamahalaan hindi lamang ng mga Pilipino, kundi ng mga banyaga.
- Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, lumago ang ekonomiya ng bansa. Masiglang ini-uulat ito ng pangulo sa kanyang mga isinagawang State of the Nation Address o SONA. Katulad na lamang ng pagdami ng mamumuhunan sa iba’t ibang sektor ng gobyerno na nagbibigay ng serbisyo at trabaho sa taumbayan.
- Ayon sa datos ng pamahalaan, bumaba ang bilang ng walang trabaho at ng mga nagugutom, tumaas ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal sa pamamagitan ng Conditional Cash Transfer Program, at sinasaklawan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
- Bukod pa riyan, sa kabila ng hindi pagsasakatuparan ng minimithing rice self-sufficiency, malaki naman ang itinaas ng ani ng palay sa bansa sa mga proyektong isinagawa ng kagawaran ng agrikultura.
- Naniniwala rin ang Administrasyong Noynoy Aquino na maitataas ang antas ng edukasyon sa bansa sa pagpapatupad ng K to 12 Program.
- Kung susuriin, matapos ang Marcos Regime, sa pamahalaan ni Pangulong Aquino lang nakita ang bunga ng AFP Modernization Program.
- Subalit, tulad ng mga pangulong kanyang sinundan, marami rin ang mga kritisismong kaniyang tinanggap. Kabilang na sa mga ito ang pagkwestyon sa mabagal daw niyang aksyon sa mga problema ng bansa, “Noynoying” ang salitang ibinansag ng kanyang mga kritiko rito.
- Tinuligsa rin si Aquino sa kakulangan daw ng pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
- Sa mga kontorbersyal na panukalang batas, isinisisi rin kay Aquino ang hindi maipasa-pasang Freedom of Information Bill na kaniyang ipinangakong bibigyan ng prayoridad noong panahong siya at nangangampanya pa lamang.
- Pagtatapos ng ika-5 taon ng kanyang paninilbihan, may mga grupo pang nanawagan ng kaniyang pagbibitiw sa pwesto kaugnay sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.
- Sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan ang natatanggap na kritisismo ni Pangulong Aquino sa sinusuportahan niyang pagsusulong ng Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region.
- Sa nalalabi pang panahon ng panunungkulan ni Noynoy Aquino, bukod sa patuloy na pagsisikap nitong makamtam ng bansa ang pangmatagalang kapayapaan, nanatiling mataas ang pagbabantay ng kanyang pamahalaan laban sa kurapsyon at kahirapan.
- Hindi rin tumigil ang mga ahensya ng pamahalaan na hanapan ng mapayapang solusyon ang lumalawig na problema ng bansa sa pag-okupa ng Tsina sa ating teritoryo sa Spartlys.
- Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang administrasyon, nananawagan si Pangulong Aquino na piliin at iboto sana ng mga Pilipino ang kandidatong magpapatuloy ng kanyang sinimulang tuwid na daan.