Biyernes, Disyembre 30, 2016

Ramon Magsaysay

Ramon Magsaysay
(Dis. 30, 1953- Mar. 17, 1957)


  • Kilala sa katawagang “Mambo Magsaysay,” isa siya sa pinaka-hinahangaang dating Presidente ng Bansa.
  • Noong 1953, nanalo siya laban kay Pangulong Elpidio Quirino sa pamamagitan ng malaking agwat na bilang ng boto.
  • Si Magsaysay ang kauna-unahang Punong Ehekutibo ng bansa na nanumpa suot ang Barong Tagalog.
  • Sa kanyang termino, literal niyang binuksan ang pinto ng Malakanyang sa publiko at matagumpay din niyang napanumbalik ang tiwala ng mga Pilipino sa Hukbong Sandatahan ng Bansa.
  • Bilang pagtupad sa kaniyang pangako noong panahon ng kanyang pangangampanya, binuo ni Presidente Magsaysay ang Presidential Complaints and Action Committee. Ang ahensyang ito ang naatasang duminig sa mga hinaing ng taumbayan at bigyan ito ng solusyon sa lalong madaling panahon.
  • Sa kabuuan ng pagganap ng komite sa katungkulan nito, umaabot sa 60,000 kada taon ang nailalapit na hinaing dito. Sa bilang na yan, mahigit 30,000 ang nabigyan ng agarang kasagutan, habang ang mahigit 25,000 natitira pa na nangangailan ng espesyal na pagseserbisyo ay ginagawan naman ng solusyon ng mga ahensya ng gobyernong mas direktang makatutulong na maresolba ang naturang mga problema.


  • Itinuturing ng kasaysayan ang kanyang administrasyon bilang pinakamalinis na pamahalaan mula sa kurapsyon. Sa katunayan, kinilala ang Pilipinas noon bilang 2nd Cleanest and Well-Governed Country sa buong Asya.
  • Dahil sa kadalisayan ng Administrasyong Magsaysay, tinaguriang “Golden Years of the Philippines” ang mga taon na kanyang pinamunuan.


  • Tumutok sa pagpapalago ng Sektor ng Agraryo si Magsaysay. Kabilang sa mga batas na kanyang isinulong upang maisakatuparan ang kanyang mithiin ay ang pagtatatag ng Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA na nagbigay ng lupa sa mga walang nito. Higit na itinuon ang proyekto para sa mga rebel returnees na naninirahan sa Palawan at Mindanao.
  • Nilagdaan din niya ang Republic Act No. 1199, na nagbigay ng seguridad sa trabaho sa mga nagsasaka ng lupang hindi nila pagmamay-ari.
  • Sa pamamagitan naman ng Republic Act Number 821, nagawa rin ni Pangulong Magsaysay na makapagtatag ng Agricultural Credit Cooperative Financing Adminstration na makapagpapahiram ng kinakailangang puhunan sa mga maliliit na magsasaka.
  • Sa halos apat na taong panungkulan ni Magsaysay, lumago ang ekonomiya at naramdaman ito ng sambayanan.


45 komento:

  1. Ano ang sagot?

    TumugonBurahin
  2. GYUTTYVYCTYVYHVYUUIBUVVYUUIGYUFUYGUFYDRWRR*)IOUIYUFRTYDTDVJBHVYUUVJBJVYUILOVESOVIETUNIONIHATEDEMOCRATICILOVECOMMUNISTGJUVYHUVYUIVYUVUVHJVUBUGYCVHJCGHCJBJKVHJVJKBJKVJVJVJKBIJVJVJVHJVJVHJJHJJVHVKJVYJVUIBIOHUI

    TumugonBurahin
  3. wow galing sana lahat ng namumuno s bansa ng pilipinas ay kagaya ni dating pangulong Ramon F. Magsaysay. nkakabilib ngayon ko lng nalaman ang dami nya ngawa para s pilipinas subrang nkakahanga. sana lahat ng mga namumuno at mamumuno kagaya ni dating pangulong Ramon F Magsaysay.

    TumugonBurahin
  4. Salamat po ,may natutunan po ako 🥺❤️

    TumugonBurahin
  5. Hi pakifollow sa acc. Nato sa tiktok:chesxxxxx pinduti nyo yung pangalan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pano kong ayaw,joke lang bhieee

      Burahin
    2. hayyy salamat naman at nakuha ko rin yung sagot thank youu✨😊

      Burahin
  6. galing nmn ni ramon magsaysay parehoni Duterte napeyborit ko,lol

    TumugonBurahin
  7. Galing tlaga ng dating pang. RFM👏🙀

    TumugonBurahin
  8. May ask ako kailan po nagpatayo ng poso si Pangulong Ramon Magsaysay

    TumugonBurahin