Biyernes, Disyembre 30, 2016

Ramon Magsaysay

Ramon Magsaysay
(Dis. 30, 1953- Mar. 17, 1957)


  • Kilala sa katawagang “Mambo Magsaysay,” isa siya sa pinaka-hinahangaang dating Presidente ng Bansa.
  • Noong 1953, nanalo siya laban kay Pangulong Elpidio Quirino sa pamamagitan ng malaking agwat na bilang ng boto.
  • Si Magsaysay ang kauna-unahang Punong Ehekutibo ng bansa na nanumpa suot ang Barong Tagalog.
  • Sa kanyang termino, literal niyang binuksan ang pinto ng Malakanyang sa publiko at matagumpay din niyang napanumbalik ang tiwala ng mga Pilipino sa Hukbong Sandatahan ng Bansa.
  • Bilang pagtupad sa kaniyang pangako noong panahon ng kanyang pangangampanya, binuo ni Presidente Magsaysay ang Presidential Complaints and Action Committee. Ang ahensyang ito ang naatasang duminig sa mga hinaing ng taumbayan at bigyan ito ng solusyon sa lalong madaling panahon.
  • Sa kabuuan ng pagganap ng komite sa katungkulan nito, umaabot sa 60,000 kada taon ang nailalapit na hinaing dito. Sa bilang na yan, mahigit 30,000 ang nabigyan ng agarang kasagutan, habang ang mahigit 25,000 natitira pa na nangangailan ng espesyal na pagseserbisyo ay ginagawan naman ng solusyon ng mga ahensya ng gobyernong mas direktang makatutulong na maresolba ang naturang mga problema.


  • Itinuturing ng kasaysayan ang kanyang administrasyon bilang pinakamalinis na pamahalaan mula sa kurapsyon. Sa katunayan, kinilala ang Pilipinas noon bilang 2nd Cleanest and Well-Governed Country sa buong Asya.
  • Dahil sa kadalisayan ng Administrasyong Magsaysay, tinaguriang “Golden Years of the Philippines” ang mga taon na kanyang pinamunuan.


  • Tumutok sa pagpapalago ng Sektor ng Agraryo si Magsaysay. Kabilang sa mga batas na kanyang isinulong upang maisakatuparan ang kanyang mithiin ay ang pagtatatag ng Resettlement and Rehabilitation Administration o NARRA na nagbigay ng lupa sa mga walang nito. Higit na itinuon ang proyekto para sa mga rebel returnees na naninirahan sa Palawan at Mindanao.
  • Nilagdaan din niya ang Republic Act No. 1199, na nagbigay ng seguridad sa trabaho sa mga nagsasaka ng lupang hindi nila pagmamay-ari.
  • Sa pamamagitan naman ng Republic Act Number 821, nagawa rin ni Pangulong Magsaysay na makapagtatag ng Agricultural Credit Cooperative Financing Adminstration na makapagpapahiram ng kinakailangang puhunan sa mga maliliit na magsasaka.
  • Sa halos apat na taong panungkulan ni Magsaysay, lumago ang ekonomiya at naramdaman ito ng sambayanan.


Huwebes, Disyembre 29, 2016

Elpidio Quirino

Elpidio Quirino
(Abril 17, 1948- Dis. 30, 1953)




  • Sa kanyang pamumuno, maayos na nakabangon ang bansa mula sa pagkasirang tinamo nito sa World War II.
  • Lumago din ang ekonomiya ng Pilipinas ng halos 9.5% sa pangkalahatan ng kanyang pamumuno.
  • Sa tulong ng Estados Unidos at pangunguna ni Quirino, umusbong ang maraming pabrika sa bansa na nagbigay ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.
  • At dahil lumalago ang industriyalisasyon sa bansa, ipinatayo niya ang mga hydroelectric power plants sa Maria Cristina Falls at sa Bulacan upang punuan ang lumalaking pangangailangan ng bansa sa kuryente.


  • Pinagbuti rin ang sistema ng irigasyon para sa pagpapalago naman ng Sektor ng Agrikultura.
  • Naitatag din sa termino ni Quirino ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ang mga rural bank. Ang mga ito ang nakapagpapautang sa mga magsasaka para sa kanilang pinansyal na suporta.
  • Itinatag din sa Administrasyong Quirino ang Social Security Commission at ang President’s Action Committee on Amelioration na nagbibigay ng ayuda at pautang sa mga mahihirap na Pilipino.
  • Kabilang sa benepisyong hatid ng mga programang ito ang insurance sa panahon ng pagtanda, aksidente at pagtamo ng permanenteng kapansanan. Dagdag pa rito ang kasiguruhan ng pagbibigay ng tulong para sa problema sa trabaho, kalusugan ng mamamayan, lalo na ng mga ina.
  • Ngunit sa kabila ng mga positibong hakbang na ito, nabigong lutasin ni Quirino ang problemang agraryo at pantay na antas ng pamumuhay lalo na sa malalayong pook sa bansa. Naging mitsa ito ng pag-igting muli ng paghihimagsik ng HUKBALAHAP.
  • Sa termino ni Quirino, binuo ang Integrity Board upang bigyan ng tugon ang lumalakas ng panawagan noon para sa pagsasaayos ng estado ng gobyerno laban sa kurapsyon, bagay na nabahiran ng mantsa maging si Pangulong Quirino.
  • Si Quirino ang kauna-unahang Presidente ng Bansa na sinubukang patalsikin sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment process. Kabilang sa mga akusasyon sa kanya ang nepotismo at ang hindi paggamit ng kaban ng bayan sa tamang pamamaraan.


  • Hindi umusad ang reklamong ito sa kongreso dahil sa kawalan daw ng ligal na basehan ng mga naghain ng reklamo.
  • Bagama’t hindi napatunayan, ito ang naging nagsulong kay Ramon Magsaysay upang tumiwalag sa Partido Liberal at lumipat sa Nacionalista Party, upang tumakbo katunggali ni Quirino sa Pampanguluhang Halalan noong 1953.

Manuel Roxas

Manuel Roxas
(Mayo 28, 1946- Abril 15, 1948)



  • Ilang buwan matapos ang pag-umpisa ng kanyang termino, naiproklama ang Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos. Ito ang dahilan kung bakit si Roxas ay tinaguriang huling pangulo ng Commonwealth at unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
  • Lugmok sa problema ang bansa sa pag-uumpisa ng kanyang panunungkulan.
  • Matindi ang tinamong pinsala ng bansa sa giyera.
  • Sa pamamagitan ng ayuda mula sa United Nations at pag-utang sa Estados Unidos, nasimulan agad ang mga proyekto para sa muling pagsasaayos ng mga nasirang istraktura tulad ng mga kalsada at paaralan.

  • Sa admnistrasyon din ni Roxas nagbuo ang konsepto ng pagtatatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa.
  • Dagdag pa r’yan, tinutukan din ni Roxas ang Sektor ng Agrikultura. Ipinroklama niyang gawing epektibo sa buong bansa ang Rice Share Tenancy Act of 1933, na sinusugan ng Republic Act 1946 o ang Tenant Act.
  • Ipinagkaloob din ni Roxas ang amnestiya sa lahat ng mga kinasuhan at sinasabing nakipagsabwatan sa mga Hapon, kabilang na si dating Pangulong Jose P. Laurel.
  • Ang desisyong ito ni Pangulong Roxas ay nagbunga ng muling pagkakaisa ng mga Pilipino.
  • Bagama’t pagbangon ang naging tema ng bawat pagkilos ng Administrasyong Roxas, binalot naman ito ng mga kontrobersiya. Kabilang dito ang kurapsyon sa kanyang pamahalaan at ang pang-aabuso ng militar sa kanayunan na nagpaigting muli sa kilusang makakaliwa – ang Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o HUKBALAHAP, na pinamumunuan ng kanilang supremong si Luis Taruc.

  • Sa kasaysayan, ang dalawang problemang ito ang naging mantsa sa magandang pamamalakad sa kanyang gobyerno.

Sergio Osmena

Sergio Osmena
(Agosto 1, 1944-Mayo 28 1946)



  • Siya ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na nagmula sa Visayas.
  • Sa edad na 65, si Pangulong Osmeña ang pinakamatandang naging presidente ng bansa.
  • Sa pagkakatalaga niya sa posisyon at muling pagkakatatag ng Commonwealth Government, unang binigyang-tuon ni Osmeña ang pagbangon ng Pilipinas mula sa sinapit nitong pagkasira dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  • Muli rin nyang isinaayos ang mga sangay ng gobyerno. Binuo niya ang kanyang gabinete at binuhay ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Hukuman.


  • Muli rin niyang pinanumbalik ang papel ng Lehislatura sa pamahalaan kung saan naihalal si Manuel Roxas bilang Senate President at si Jose Zulueta naman bilang House Speaker.
  • Sa utos ni Osmeña, ang kauna-unahan panukalang batas na tinutukan ng kongresong ay ang rehabilitasyon ng Philippine National Bank. Naaayon ang panukala sa layunin ni Pangulong Osmeña na maka-angat muli ang ekonomiya ng bansa.
  • May mga ginawang hakbang din si Osmeña kaugnay ng mga polisiyang may kinalaman sa ating ugnayan sa ibang bansa.
  • Nagpadala siya ng delegasyon sa Estados Unidos upang makiisa sa pagbuo ng United Nations Charter. Kabilang ang Pilipinas sa 51 bansang pumirma rito.
  • Bilang paghahanda naman sa nalalapit na muling kasarinlan ng bansa sa kamay ng mga Amerikano, itinatag ang isang opisinang mangangasiwa sa ating uganayang panlabas. Si Vicente Sinco ang tumayo bilang pinunong tagapangulo nito.
  • Sa ilalim ng pamahalaang Osmeña, naging miyembro tayo ng International Monetary Fund at International Bank for Reconstruction and Development.
  • Itinulak din ni Osmeña sa US Congress ang pagpapasa ng Bell Trade Act. Nang maaprubahan ng kongreso ng Estados Unidos, nakatulong ito ng malaki sa ating ekonomiya. Sa pamamagitan ng Bell Trade Act, nabigyan ng pagkakataon ang bansa na makapagluwas ng ating mga pangunahing produkto sa Amerika ng walang kinakailangang bayarang buwis.


Jose P. Laurel

Jose P. Laurel
(Oct. 14, 1943- Agosto 17, 1945)


  • Si Laurel ang nanguna sa paghahain ng mga probisyon sa Bill of Rights ng ating Saligang Batas.
  • Bagaman kilala bilang pangulo, nagsilbi rin si Laurel bilang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. Sa katunayan, kinikilala siya na isa sa pinakamagaling na Supreme Court Justices sa kasaysayan ng bansa dahil sa mga desisyong kanyang ginawa na naging basehan ng istraktura, limitasyon at kapangyarihan ng bawat sangay ng Pamahalaan.
  • Noong panahon ng pananakop ng Hapon, matapos lumisan sa bansa ni Pangulong Manuel Quezon, nabuo ang isang Provisional Government. Ito ang Second Philippine Republic, na kanyang pinamunuan.


  • Sa kanyang pamamahala, kagutuman ang pinakamatinding suliraning kanyang hinarap dala ng nagaganap na giyera.
  • Sa kabila ng kaguluhan, nagpatuloy ang pamamahala ni Pangulong Laurel habang tayo ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Hapon.
  • Noong1944, sa pamamagitan ng Proclamation No. 21, idineklara ni Laurel ang Martial Law sa bansa. Sinundan ito ng Proclamation No. 30, na nagdedeklara naman ng pakikidigma ng Pilipinas laban sa Amerika at United Kingdom. Dahil sa mga nangyari sa ilalim ng Laurel Government, maraming Pilipino ang tumutol sa kanyang pamumuno.
  • Matapos ang naging pagsugod ng Amerika, gamit ang bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki, sumuko ang mga Hapon na naging senyales ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Laurel. Sa pamamagitan ng isang Executive Proclamation, idineklara ni Laurel ang pagtatapos ng kanyang rehimen noong ika- 17 ng Agosto, 1945.

Miyerkules, Disyembre 28, 2016

Manuel Quezon

Manuel Quezon
(Nob. 15, 1935- Agosto 1, 1944)


  • Pinahalagahan niya ang wikang Pambansa.
  • Ipinatupad niya ang Eight-hour Law dahil sa problema paggawa sa lupa.
  • Ipinatupad rin niya ang Minimum Wage Law.
  • Pinaunlad niya ang pambansang seguridad sa tulong ng National Defense Act.
  • Naipatupad rin niya ang Payne-Aldrich Law na nagpapababa ng ating buwis.




  • Nagpatayo ng mga gusali, nakapagboto ang mga kababaihan at nakakasali sa pulitika at libreng edukasyon na tugunan ng pansin ang industriya ng kabuhayan.
  • Naging isang piskal panalalawigan, house of representatives, speaker.
  • Itinuturing na ama ng wika sapagkat siya ang nagtaguyod ng wikang filipino na kung tawagin ay "tagalog".


Emilio Aguinaldo


Emilio Aguinaldo
(Mayo 24, 1899-Abril 1, 1901)

  • Ginampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal.
  • Ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. 
  • Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston.
  • Pumayag sa kusang loob na pagpapatapon sa kanya sa Hongkong kapalit ang bayad-pinsalang naghahalagang P400,000 na ginamit niya sa pagbili ng mga armas na inilaan pagbalik niya sa bansa
  • Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong Hulyo 12, 1898.



  • Pangulo ng Pamahalaang Reblousyonaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899.
  • Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang itatag ang pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos.
  • Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo.







Ferdinand Marcos

Ferdinand Marcos
(Dis. 30, 1965- Peb. 25, 186)

  • Ayon sa naging resulta ng isang pandaigdigang survey noong 1995, si Pangulong Marcos o kilala rin sa katawagang “Macoy” ang lumabas na pinakamagaling na naging pangulo ng isang bansa sa buong mundo.
  • Matalino, magaling magsalita at puno ng karisma, ‘yan ang nakita ng mga Pilipino sa kanya kung kaya’t nanalo sa halalan si “Macoy” noong 1965 laban kay dating Pangulong Diosdado Macapagal.
  • Sa kanyang unang State of the Nation Address o SONA, inilatag niya ang kaniyang mga plano upang i-angat ang ekonomiya ng bansa.
  • Pagsasaayos ng imprastraktura, kuryente, tubig, pagpapatatag ng sistema ng hudikatura at ng sandatahang lakas, paglaban sa kriminalidad at kurapsyon ang tinutukan niyang mga proyekto.
  • Naging maganda ang bunga ng plano niyang ito kung kaya’t sa muli nyang pagtakbo para sa ikalawang termino, nagawang niyang muling manalo.
  • Si Marcos ang kauna-unahang pangulo ng bansang nakagawa nito.



  • Ngunit ‘di tulad ng una niyang termino, sa ikalawang pagkakataon ng pagiging ama niya ng bayan, nagkasunod-sunod ang kilos-protesta laban sa kaniyang pamumuno dahil sa mga alingasngas ng kurapsyon.
  • Ang serye ng mga naganap na demonstrasyon sa kalye ay tinaguriang “First Quarter Storm.”
  • Ginamit ni Pangulong Marcos bilang isa sa mga basehan ang mga kaguluhang ito upang magdeklara ng Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972.
  • Sa ilalim ng Batas Militar, naging epektibo ang pagpapatupad ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas. Mula presidential, naging parliamentary ang uri ng ating gobyerno. Naging daan ito upang manatiling pinuno ng bansa si Marcos.
  • Sa panahong ito, inilunsad ni Macoy ang pagtatatag ng Bagong Lipunan.
  • Noong ika-17 ng Enero, taong 1981, binawi ni Pangulong Marcos ang bisa ng Martial Law. Anim na buwan matapos niyang gawin ito, ginanap ang isang halalan sa bansa matapos ang labing dalawang taon.
  • Nanalo si Marcos para sa kanyang ikatlong termino.
  • Noong Agosto 21, 1981, naganap ang isang insidente na itinuturing ngayong ng mga eksperto bilang isang pahina ng kasaysayan na nagsimula ng pagbagsak ng rehimeng Marcos – ang pagkakapatay kay opposition leader at dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Junior.

  • Isa si Marcos sa mga pinagbintangang ulo ng pagkakapatay kay Ninoy, na hanggang sa ngayon ay hindi pa napatutunayan ng mga nag-akusa sa kanya.
  • Sa mga panahon ding iyon, lumulubha na ang kalagayan ni Marcos sa panahong ito. Tila tinatalo na siya ng kanyang sakit na lupus.
  • Sa ganitong kondisyon, marami ang kumwestyon sa kakayanan ng may sakit na si Marcos na manatili pa sa Malakanyang, bukod ito sa kabi-kabilang mga paratang sa kanya at sa kaniyang mga “crony” ng pagnanakaw sa salapi ng bayan.
  • Dahil sa lumalakas na panawagan ng pagpapababa sa kanya sa pwesto, napilitang magpatawag ng snap election si Marcos. Ito ay sa kabila ng nalalabi pa niyang isang taon sa kanyang termino.
  • Naging katambal ni Marcos sa halalang iyon si Arturo Tolentino at nakalaban naman nila sina Corazon “Cory” Aquino, ang maybahay ng napaslang na si Ninoy, at si Salvador “Doy” Laurel.
  • Matapos ganapin ang naturang halalan, nagkaroon ng hindi pagkakapareho ang resulta na ginawang pagbibilang ng mga boto ng Commission on Elections o COMELEC at ng National Movement for Free Elections o NAMFREL, na siyang akreditadong poll watcher sa halalang iyon.
  • Nagkaroon ng malawakang protesta dahil sa nangyari, na naging mitsa naman ng unang People Power Revolution, na tuluyang nagpababa kay Marcos sa kapangyarihan.